sugarsugar*

My Categories

your name:

url:

your message:

January 4th, 2008

hello. :)

Posted by sugarsugar at 02:47 PM on January 4, 2008.

gawd i missed this.

bite me.

November 7th, 2007

I Heart Nineties.

Posted by sugarsugar at 06:40 PM on November 7, 2007.

Noong unang panahon...

Elementary pa'ko nun. 1990s. The last millenium. Bilang alay sa aking BennyBear, eto ang mga namimiss ko sa nineties:

PAGKAIN.

o1. Wonderboy

o2. Pinoy Kasi - dadakutin mo muna 'yung hidden prize sa loob bago mo kainin lahat.

o3. Cedi - yung may Bingo card na inii-scratch para manalo ka.

o4. Bazooka Joe - binibili ko lang 'to dahil sa libreng komiks!

At shempre dahil mga Batang PX kami ng mga pinsan ko, pagkain din namin noon ang:

o5. Bubble Jug - watermelon, yum-yum

o6. Bubble Tape - sinubukan ko dati nguyain 'yung isang buong bubble tape. nangalay lang yung panga ko. sayang...

o7. yung bubble gum na nasa loob ng toothpaste - ano ba tawag dun?

o8. Cherry balls - yung tigpi-pisong bubble gum na bilog. At red. Kaya cherry.

Shempre, kasunod na ng pagkain ang

PALARO.

Sa ngayon, wala na 'kong nakikitang mga batang naglalaro ng mga laro namin dati... Na-phase out na. Puro DotA at PSP. How sad.

o1. Paper doll - mula dun sa Chinese na merong kimono at may mga alagang pusa, hanggang sa pictures ng Barbie (favorite ko 'to!), hanggang sa mga paper doll versions ng mga artista. Kung sa States uso ang barbie doll ng mga sikat, tayo rin meron. Gawa nga lang sa papel.

o2. Sticker dolls - late 90's na 'to nauso. parang paper dolls rin, pero hindi na nililipad ng electric fan yehey.

o3. Pogs - noong unang panahon, naisipan ng Coca-Cola na pagkakitaan ang kabataan ng buong Pilipinas. kaya pinauso nila ang mga POGS. nangolekta rin ako nun tapos pinatalo ko lang kasi lilipat na kami ng bahay.

o4. Nintendo Family Computer - eto na ang kinagisnan ko: Super Mario, Pacman at Bomber Man. Tsaka Donkey Kong. Tsaka Shoot the Duck. Tsaka Popeye.

o5. SEGA - bago mag-Playstation, SEGA muna. Ang favorite kong laro dito Mortal Kombat.

o6. Brick Game - simple lang kaligayahan ng mga bata noon. mga nalalaglag na kahon mula sa kawalan.

o7. Chinese garter - lagi akong hindi kasali, o kaya baby, kasi hanggang tuhod lang abot ko. iba pa yung, "10, 20.." nasipa pa ko sa dibdib dati, kasi yung kaklase kong bakla tumambling para maabot yung hanggang ulo.

o8. jackstones - hindi rin ako marunong nito. pero yung nanay ko, meron yata shang Ph.D. sa Jackstonology. saka Yoyology.

o9. trumpo - prototype ng Beyblade. (kalokohan yang beyblade na yan. nung unang panahon, ang mura-mura ng trumpo, customizable pa. nasa sariling imahinasyon lang yan)

1o. yung mga classics na aral-aralan, bahay-bahayan at lutu-lutuan - ang hindi ko malilimutan ay yung binebentang plastic kutsara na may nakaipit na supot na arina at play money. tinitimpla ng ate ko yung arina tas pilit pinapainom saming magpipinsan. at dahil mas nakatatanda, eh pumayag naman kaming magpa-uto.

Alam ko marami pa kong nakalimutan pero kasi medyo magulo 'to. Maraming laro ang nauso na bago pa mag-90's at meron ring mga larong old skool na buhay pa naman hanggang ngayon.

TV SHOWS.

o1. "Can you tell me how to get, how to get to Sesame Street?" at ang Pinoy counterpart nito na...

o2. "Pagmulat ng mata, laging nakatawa, sa Batibot, sa Batibot..." si pong pagong, sitsiritsit at alibangbang na lang ang naaalala ko. saka yung, "alin, alin, alin ang naiba... isipin kung alin naiba." meron din 'to sa kabilang network, yung ATBP.

o3. Hiraya Manawari, Bayani, Sineskwela at Math Tinik - eto yung mga pinapanood ko bago dumating 'yung service. sana meron ring ganito na para sa mga BS Nursing kasi sa tingin ko eto yung dahilan kung bakit ang talino ko nun.

o4. Princess Sarah, Cedi, Swiss Family Robinson, Georgie, at iba pang cartoons mula sa Europa - favorites ko yung "Ciao, Marco, Ciao..." tsaka 'yung walang katapusang kwento ng Snow White at Peter Pan. hahaha.

o5. Looney Tunes, Batman, X-Men, Teenage Mutant Ninja Turtles - oo aware ako na buhay pa 'tong mga 'to pero iba yung mga lumang bersyon. old skooool.

o6. Bioman - hindi ako masyadong mahilig dito kasi magkakamukha ang dating sakin ng mga babaeng bida at monsters kaya 'di ko alam kung si Maskuman ba siya o si Masked Rider.

o7. TAKESHI'S CASTLE!!! - grabe sobrang adik ako sa palabas na 'to. kakaiba. lakas magtrip. buhay na s'ya ulit ngayon.

o8. Ang TV, That's Entertainment, SST (Salo-Salo Together), Abangan Ang Susunod Na Kabanata, Palibhasa Lalake, Ober Da Bakod - oo nanood ako ng mga yan.

o9. TGIS, Gimik - first time kong makapanood ng mga tinatawag nilang youth-oriented TV show. nauso ang loveteam. syempre walang tatalo kay wacks at peachy.

1o. RJTV - hindi niyo siguro napapanood yun. para siyang early prototype ng cartoon network. maghapon na puro cartoons ang mapapanood mo, bukod sa paminsan-minsang commercial ng mga trolls na nag-sasayaw sa isang pirate ship: "doo wa ditty, ditty dum, ditty doo..." saka minsan kokomo rin kinakanta nila.

Tae. Ang dami. Masasabi ko siguro na halos TV na ang nagpalaki sa'kin. Wala kaming katulong o yaya kaya bahala na 'ko libangin ang sarili ko (walang yaya na matotorture!). Tiwala naman ang mga magulang ko na hindi ako basta-basta magbibigti o gagawing exotic foods ang mga ipis.

MUSIC.

o1. Kool Ka Lang - putangina. ilang linggong sikat to? "kaya kool ka lang, relax ka lang... easy ka lang..." waah, nalimot ko na.

o2. Kisapmata - grabe kapag naririnig ko 'tong kantang 'to naiiyak ako kasi ito na yung song na tumatak sa'kin. pero syempre subclass lang siya ng...

o3. OPM Rock ng '90s: Ang Mga Batang Rebelde - E-heads, Rivermaya, at humabol ng onti 'yung Parokya ni Edgar pagtagal-tagal. para sa akin, triumvirate ang grupong ito na kapag sinabi mong 90's, yun na yon.

o4. Lick It, Ruggamuffin Girl, Macarena, Sha-La-La at ibang dance craze songs.

o5. "Always I wanna be with you, and make believe with you..." - shempre special mention to dahil... hehe. basta.

 

Hala. Sige. Hanggang dito muna kase... Kumikidlat na kasi dito. Alam kong hindi kompleto 'tong listahan ko at sigurado akong mas marami pa 'kong namimiss bukod dito. Kaya mag-suggest na kayo for my next post!

7 bite me.

HAH.

Posted by sugarsugar at 12:39 PM on November 7, 2007.

Apparently I'm not sick of the pink yet.

 

MEH. This is me being bored and laaaazy. Plus I've got a gazillions load of shit to review, if I want to kill the competition and dazzle the judges with my wit and charm. Ooh.

Off to bury myself in nursing notes bye! 

bite me.

« Newer | »